Dingdong Dantes Endorses Gran Matador
Para kay Dingdong Dantes, isang oprtunidad ani-ya ang maging endorser ng Gran Matador brandy. Kasabay ng magagandang proyektong duma-ting sa aktor gaya ng Marimar at Dyesebel ng GMA-7, tinanggap ni Dingdong ang pagiging endorser ng Gran Matador because he sees drinking as a reason to celebrate.
Sa presscon ni Dingdong for this product, ti-nanong ang aktor kung ano ang advantage ng isang la-laki o aktor para maging endorser ng isang alak?
“Mahalaga sa akin ‘yung credibility mo as an aktor, da-hil kailangan din maka-relate ang consumer mo sa produktong ini-endorse mo. Nag-kakaroon ng tiwala ang tao sa ‘yo bilang endorser,” paliwanag pa ni Dingdong. Sinabi rin nito na kai-langan daw na ang mga umiinom ng brandy o mga inuming gaya ng Gran Ma-tador ay isang taong res-ponsible at may kontrol sa sarili.
Sa kabila ng pagiging endorser ni Dingdong ng inuming pang-lalaki na ito, ayaw naman niyang matatakang lasenggo siya or something to that effect. Aware din ang aktor na may ganoong impression ang ibang tao lalo na ‘yung mga kulang sa pang-unawa.
Aniya, dapat ay mature enough na rin daw ang tao to know his limitations in drinking.
Dagdag pa ng aktor, nasa tao na rin daw ‘yan kung marunong siyang magdala.
True. May mga tao na ‘pag uminom parang lumalabas ang ibang katauhan. Katakot naman ang mga ganitong klase. Pero ‘yung iba, suwabe lang ang dating.
May punto si Dingdong, nasa tao lang talaga ang tamang pag-kontrol sa sarili.
Siyempre, hindi ma-wawala ang katanungan tungkol sa dalawang babaing nauuganay ngayon sa aktor.
Sina Marian Rivera at Karylle. Nu’ng tanungin si Dingdong na kung saka-ling malasing siya, sino sa dalawa ang gusto niyang mag-alaga sa kanya; gaya ng pagpupunas at pagpapainom ng mainit na kape or whatever?
Naku, nahirapang su-magot ang aktor. Tumameme ito. [source]
0 comments:
Post a Comment